3 menor de edad, minolestiya ng amain

SAN JOSE DEL Monte City, Bulacan – Tatlong mga menor de edad ang minolestiya ng umano’y silahis nilang amain simula pa noong taong 2005.

Sa report ni P/ Supt. Rodolfo “Boy” Hernandez, hepe ng San Jose del Monte City Police station, ang suspek ay si Gerudias Lado, 42 taong gulang at naninirahan sa Block 27, Lot 29, Road 10, Barangay Minuyan 4 sa nasabing lunsod.

Nabatid na nadiskubre ang kahalayan ng suspek nang molestiyahin nito ang kanyang inaanak na lalaki na 15-anyos nito lamang Martes ng hapon sa loob ng comfort room ng Sapang Palay National High School.

Dahil sa pagkakadiskubre, dalawa pang magkapatid na babae na 10 at 13-anyos ang walang takot na ibinunyag na dumanas din ng kahalayan sa nabanggit na eskuwelahan.

Nabatid na ang dalawang huling biktima ay anak ng kinakasama ng suspek. Ayon sa sinumpaang salaysay ng magkapatid at mag-aaral din sa nasabing paaralan, regular silang minomolestya ng kani-lang amain.

Samantala detinido nga-yon ang suspek sa San Jose del Monte City Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban rito.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.