3 Matanda, Kalaboso sa Nakaw na Niyog

DAKIP ANG dalawang lolo at isang lola sa Camarines Norte dahil sa bunga ng niyog.

Kinilala ang mga salarin na sina Virginia Baay Lita, 62; Catalino Marvella Lita alias “Lino”, 65 at Jose Leon Villaflores, 58; pawang mga residente ng Purok 3, Sitio Buhayhay, Barangay Napilihan, bayang ng Vinzons.

Base sa impormasyong ipinalabas ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), ang mga suspek ay sinampahan ng kasong Qualified Theft dahil sa pagnanakaw ng niyog.

Nahuli ang tatlo sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Winston G. Racoma ng Regional Trial Court Branch 39, sa bayan ng Daet.

Samantala, pinapayagang magpiyansa ang mga ito sa halagang tig-P24,000.

Sa ngayon, nananatili sa kulungan ang mga naarestong lolo at lola.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.