3 Manonood Ng Panagbenga Parade Nasabugan

SA OSPITAL humantong ang tatlong katao na nasugatan sa pagsabog ng granada habang inirere-serba sana ang kanilang puwesto sa Melvin Jones Football ground upang masipat ang Panabenga Parade sa Baguio City, kahapon ng umaga.

Naganap ang pagsabog alas-7:00 ng umaga kahapon, ilang oras bago ang parada.

Kabilang sa mga sugatan sina Genard Palmonique, 33-anyos na nagtamo ng sugat sa kanyang kanang paa; Joseph Espada, 49-anyos at si Gilbert Salvador na nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Batay sa salaysay ng mga biktima na isinugod sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC), nakita lamang nila ang granada na gumulong sa kanilang kinakatayuan.

Gayunman, tumanggi namang magbigay ng anumang detalye si Sr.Supt. Jesus Cambay, director ng Baguio City Police Office sa pangambang masira ang festival at umatras ang nais manood ng parade.

Tiniyak naman ng awtoridad na kanila nang isinekyur ang buong paligid ng lungsod para sa pagdaraos ng pagparada ng magagandang bulaklak.

(S. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.