3 magkakapatid, tinurbo ng manyakis na ama

 

NORZAGARAY, BULACAN – HINDI na makayanan ng  19 anyos, na dalaga, ang pambababoy ng kanyang ama sa kanya at sa dalawa pa nitong kapatid na babae, kaya naglakas-loob na itong magsumbong sa mga awtoridad kahit may banta sa kanyang buhay ang nakalalaya pa nitong tatay sa Brgy. Matictic sa bayang ito.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang suspek na si Roberto Dalisay, 43, tubong-Romblon at residente sa nabanggit na barangay. Samantala, ang mga biktima naman ay itinago sa pangalang Josie, 19; Joan, 14; at Jovy, 8 taong gulang.

Base sa report ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO), nagsadya sa kanilang tanggapan ang dalaga upang isumbong ang ginawa umanong panghahalay ng kanilang ama sa kanya at sa dalawa pa nitong kapatid.

Nabatid na mahusay magbaon ng tubo ang suspek kung saan experto ito sa trabahong paggawa ng poso ng tubig.

Ayon sa salaysay ni Josie, 12 anyos pa lamang siya nang simulan siyang gahasain ng kanyang ama sa lalawigan ng Romblon, 2007 hanggang 2008, kung saan pinagbabantaan ang kanyang buhay sakaling hindi siya pumayag sa kagustuhan ng kanyang ama, hanggang sa uma-bot umano siya sa edad na 19, at maging ang kapatid nitong si Joan ay nakaranas  ng kalupitan ng kanyang manyakis na ama, at ang bunso nilang kapatid ay sinimulan na ring molestyahin ng kanyang tatay.

Aniya, tuwing wala ang kanyang  ina kung isagawa ng kanilang ama ang kahalayan sa kanila, kaya hindi nila magawang makapagsumbong sa takot na papatayin sila nito maging ang kanilang ina.

Sa takot na tuluyang masira ang buhay ng bunso nilang kapatid, nagpasiya na itong magsumbong sa mga awtoridad.

Samantala, kasalukuyang nasa pangangalaga ni Rowena Joson Tiongson ng Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) habang ipinagpapatuloy ang pag-aaral ng tatlo mga biktima.

Kaugnay nito, pormal nang sinampahan ng kaso sa Bulacan Prosecutor’s Office ang suspek sa kasong Rape in relation to Republic Act 7610 na Child Abuse Law, habang nagsasagawa naman ng man hunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “3 magkakapatid, tinurbo ng manyakis na ama

  1. Napakarami ng incest sa Pilipinas. There ought to be a stricter penalty against incest. How a faher have the gull to rape his own daughters is beyond me.

  2. sa mga kasong ganito, naiisip kong dapat nang ibalik ang parusang kamatayan sa Pinas. since advance na ang technology ngayon, ung mga rapist puwede nang matukoy through DNA test kaya wala nang mistrial .

Leave a Reply

Your email address will not be published.