3 Magkakapatid, Nilamon ng Ilog

PATAY ANG tatlong magkakapatid na batang lalaki matapos na malunod sa isang ilog sa Brgy. Saksak, Aloguinsan, Cebu.

Kinilala ang mga biktima na sina Rodmar Flores, 8; Raymart, 6, at Rafael, 4, pawang mga residente sa naturang lugar.

Base sa isinagawang pagsisiyasat ni PO2 Solomon Cardoza ng Aloguinsan Police, napag-alaman na umaga nang inutusan ng ina na si Maribeth ang mga anak na maglaba dahil kapapanganak pa lang nito.

Laking pagtataka na lang ni Maribeth nang sumapit na ang hapon ay hindi pa rin nakauuwi ang mga anak.

Dahil dito, humingi na ito ng tulong at pagdating sa nabanggit na lugar, nakita na lamang ang tatlong katawan ng mga bata na wala nang buhay na nakalutang sa ilog.

Kinumpirma naman ni Dr. Lyndon Villegas, municipal health officer, namatay ang tatlong bata dahil sa asphyxia matapos na hindi sila makahinga dahil sa sobrang tubig na nainom sanhi ng pagkalunod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.