3 Magkakaibigan, Dedo sa Bus

DEAD ON arrival ang tatlong magkakaibigan matapos maaksidente sa National Highway, Purok 2, Barangay Cullat sa Daraga, Albay bandang alas-4:02 kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga biktima na sina Robert Valenzuela, 39-anyos; Armando Tongga; at Levy Tolentino.

Base sa inisyal na report, binabaybay ng mga biktima ang highway, sakay ng isang tricycle nang mabangga umano ng isang Daewo Bus na patungong Davao City.

Agad namang tumakas ang bus driver na kinilalang si Samuel Alogbate matapos ang aksidente ngunit nakatangap ang mga awtoridad ng report na sumuko ito sa Matnog Police sa Sorsogon.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat dahil hindi pa matukoy kung sino ang may kasalanan sa aksidente.

Samantala, posibleng maharap sa patong-patong na kaso si Alogbate.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.