3 Mag-Aate, 4 Na Buwang Minolestiya Ng Lolo

KALABOSO ANG KINAHANTUNGAN ng isang matandang lalaki makaraang ipakulong ng kanyang live-in-partner nang molestiyahin ng una ang tatlong magkakapatid na babae na pawang menor de edad na mga tunay na apo ng kanyang kinakasama sa loob ng apat na buwan sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Mga kasong Rape, Acts of Lasciviousness at Violation of RA 7610 (Child Abuse Law) ang kinakaharap na asunto ng suspek na si Antonio Grutas, 51, naninirahan sa Dos Martirez, Barangay San Jose ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng nanay ng mga biktima na may edad 11, 7, 5 sa Women’s and Children Concerned Desk (WCCD) ng Navotas Police, Nobyembre 2010  nang molestiyahin sila ng kanilang step-grandfather.

Hindi umano makapagsumbong ang mga bata sa kanilang nanay, dahil tinatakot ito na sasaktan ni Grutas.

“’Yun pong panganay ko sabi niya sa akin madalas daw siyang dalhin sa kuwarto ng kanyang lolo at doon minomolestiya,” anang nanay ng mga biktima.

Itinataon umano ni Grutas na gawan ng hindi maganda ang kanyang mga apo lalo na’t walang tao sa kanila at nasa palengke ang kinakasama nito na tunay na lola ng mga bata.

Nang malaman ng ina ng tatlong bata ang ginagawa ni Grutas sa kanyang mga anak, kaagad itong nagtungo sa pulisya at ipinaaresto ang amain sa loob ng bahay nito, bandang alas-9:00 ng umaga. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “3 Mag-Aate, 4 Na Buwang Minolestiya Ng Lolo

  1. whew! not a good news to read. sometimes these kind of news won’t make your day. so sad that this happens to our country.

Leave a Reply

Your email address will not be published.