3 Lider ng NPA, Utas sa Sagupaan

HINDI UMUBRA sa tropa ng pamahalaan ang tatlong miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) makaraang mapaslang sa sagupaan sa Sitio Datal D’lag, Barangay Kulaman, Jose Abad Santos, Davao del Sur.

Ayon kay Lt. Col. Adolfo Espuelas, commanding officer ng 73rd Infantry Batallion, Philippine Army, ang mga napaslang ay nakilala lamang sa kanilang mga alyas na “Marvin”, “Bobong” at “Berting” na pawang mga miyembro ng Sentro de Grabidad Andoy, Guerilla Front 71 ng NPA.

Sinasabing mga team leader sina Marvin at Bobong ng Squad 1 at Squad 2 ng grupo.

Narekober ng mga sundalo ang dalawang M14 at isang M16 rifle at isa ring communication radio.

Kaagad namang na-airlift sa General Santos City ang narekober na mga bangkay. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.