3 Lalaki, Dalagita Huli sa Buy-Bust; 300 Gramo ng Shabu, Narekober

SWAK SA kulungan ang tatlong lalaki at isang dalagita matapos ang isinagawang buy-bust operation kung saan umabot sa 300 gramo ng Shabu ng nakuha sa mga una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Carlo Albert Serrano, 27; Edwin Ramos, 49 kapwa ng San Rafael; Michael Reyes, 21; at Ivy Rose Nica Vergel De Dios, 17, kapwa ng Bustos pawang sa Bulacan.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagbebeta ng maramihan gramo ng shabu ang mga suspek na naging dahilan upang magsagawa ng buy-bust operation alas-8 ng gabi sa 3rd floor parking lot ng Puregold sa Monumento, Caloocan City.

Nang mamataan ang mga suspek ay agad na pinaligiran at nakuhanan ng 300 gramo ng Shabu na aabot sa halagang P1.8M na naging dahilan upang dalhin sa presinto ang mga suspek.

Inaalam na ng mga pulis kung saan kinukuha ng mga suspek ang mga Shabu.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.