3 Kotong Cops, Kalaboso

INIREKOMENDA NG Quezon City Prosecutors’ Office sa korte ang kaso laban sa tatlong pulis at isang sibilyan na nada-kip kamakailan dahil sa umano’y pangongotong ng P10,000 sa isang lalaki at pagtangay pa sa gamit nito sa lungsod.

Ang mga nasabing pulis na sina PO1s Ryan Parungo, Dennis Maagda, at Ronnel Biag, na pawang nakatalaga sa QCPD-Station 9, ay ipinag¬harap ng kasong robbery at extortion kasama ang kanilang tipster na si John Dominic Laudio.

Pinatawan naman ni Assistant City Prosecutor Diovie Macaraig-Calderon si Laudio ng kasong usurpation of authority matapos na magpanggap ito bilang pulis na may ranggong Police Inspector.

Ang apat na salarin ay isinailalim sa inquest proceedings nitong Biyernes ng gabi, kasunod ang pagkakaaresto sa may Philcoa, Brgy. San Vicente.

Base sa isang pahinang resolusyon, sinabi ni Calderon makatotohanan ang pagdakip sa mga salarin at inirekomenda ang kaso sa korte laban sa kanila.

Nag-ugat ang natu-rang pagdakip mula sa reklamo ng 29- anyos na biktima mula sa Cavite na nagsabing inaresto siya ng tatlo dahil sa kasong alarm and scandal at iligal na droga.

Samantala, tinangka rin umano siyang kotongan ng tatlo ng halagang P10,000 habang kasama ang isang call boy noong gabi ng June 12.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.