3 Korean Miners, Dinukot sa Lanao

PATULOY PANG BINEBERIPIKA ng awtoridad ang sanhi ng pagkawala ng tatlong Korean miners sa lalawigan ng Lanao.

Una nang kinumpirma ni city police director Sr. Supt Gerry Rosales ang pagkawala nina Kim Nam Dou, Woo Shu Bong at isang Mr. Choi, pawang minero, na ilang buwan nang nag-check in sa isang hotel sa Cagayan de Oro City.

Sinabi ng opisyal na nabatid sa kasintahang Pinay ni Choi na sila ay mayroong pupuntahang mining site sa Lanao bago ito nawala.

Hindi rin mabanggit ni Rosales kung saang bahagi dinala ang mga biktima sapagkat mayroong Lanao del Norte at Lanao del Sur na hindi matukoy ng mga huling nakasama ng mga biktima.

Sinabi naman ng Korean embassy na walang record sa kanila ang mga nawawalang Koreano, dahilan upang maging mas kumplikado ang pagtukoy sa totoong pagkatao ng mga ito.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.