3 Kilabot na Holdaper, Tiklo

KULONG ANG tatlong kilabot na hodaper makaraang masakote ang mga ito ng mga elemento ng Special Weapon and Tactic (SWAT) Team ng Caloocan City sa isang check point matapos na mapurnada sa tangkang panghoholdap sa nasabing lungsod kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina Ron-Ron Dislat, 23; Richard Rodriguez, 24; at Kavin Michael Balana, 24, mga residente ng # 4115 De Castro Subd., Brgy. Paso De Blas, Valenzuela City.

Ayon kay PO1 Joseph Castillo, ng SWAT team, natunugan nila ang plano ng tatlong suspek na magsasagawa ng holdap habang paikot-ikot sa kahabaan ng 7th Avenue habang sakay ng isang motorsiklo.

Tinangkang haragin ng tropa ng SWAT ang tatlong suspek, subalit imbes na huminto ay nakipaghabulan pa ang mga suspek hanggang sa masukol sa harap ng Tropical Hut sa may EDSA, Monumento.

Nakumpisa sa mga suspek ang tatlong piraso ng beinte nuwebe (balisong) at improvised shot gun (sumpak) at tatlong bala ng nasabing baril.

Ang mga suspek ay pawang nakakulong sa detention cell ng Caloocan PNP, at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga ito.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.