3 KFR Members, Tiklo sa Droga

NALAGLAG NA sa kamay ng mga operatiba ng Provincial Intillegence Branch (PIB) ang tatlo sa 10 miyembro ng Kidnap-FGor-Ransom (KFR) group na responsable sa pagkidnap sa isang anak ng negosyante sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan nito lamang nakaraang Pebrero 14, 2013.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Manuel Atencio, 46 anyos, ng Pescadores, Candaba, Pampanga; Azenith Briones, 32; at Ricardo Hovilla, Jr., 23, ng Brgy. Subic sa bayan ng Baliuag; samantalang pinaghahanap pa rin ang mga kasamahan nito na umano’y leader at financier ng grupo na si Andy Turla alyas Jay at dalawang iba pa ng Mapaniki, Candaba, Pampanga; Raymond Francisco, ng Brgy. Pala-pala, San Ildefonso; Guilbert Tambot; at alyas Dencio ng Brgy. Bagong Nayon, Baliuag, habang nakaligtas naman ang biktimang si Emerson Magadia ng San ildefonso.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-9:30 ng umaga ng Linggo, nang magsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad sa Brgy. Longos, Pulilan, kung saan nadakip si Atencio, kasama ang kanyang kaibigan na si Estilito Manalo, 46 anyos, ng Sabang, Baliuag.

Nakumpiska mula sa kanila ang dalawang sachet na naglalaman umano ng Shabu, kung saan ikinanta ng suspek kung saan nagtatago ang mga kasamahan nito na sina Briones at  Hovilla. Nakumpiska mula sa kanila ang isang cal. 45 na baril, nabawi rin mula sa kanila ang isang HP Computer bag, Oakley shades,itim na pantalon at isang car cellphone charger at TAG Carrera na relo.

Nabatid na Araw ng mga Puso o Pebrero 14 nang maganap ang pagkidnap sa biktima sa Brgy. Sapang-Putik, San Ildefonso at pinalaya nito lamang Sabado makaraang makapagbayad ng  P.12 million.

Samantala, positibo namang itinuro ng biktima ang mga suspek na sila nga ang kumidnap sa kanya. Kaugnay nito, sasamphan ng kasong RA 8294, Omnibus Election Code, Sec ll, RA 9165 at paglabag sa Atni-Kidnapping Law.

(TONY DELA PEÑA)  

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.