3 Kawatan, Tiklo sa Bulacan

ARESTADO ANG tatlong kalalakihan makaraang mahuli sa follow-up operation ng mga awtoridad  sa Brgy. Poblacion, Baliuag, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rizalino Andaya kay PNP Provincial Director Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Alberto Ramos, 41; Sonny Avila, 39, kapwa residente ng Brgy. Paliwas, Obando; at Noriel Agbas, 32, ng Woodhills, San Pedro, Laguna. Samantala, ang biktima naman ay nakilalang si Rey Ferrer Y Tulod, 45, OIC Security Officer ng Sun Cellular.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Ronnie Aspric at PO1 Willy Santos, kasalukuyan silang nagsasagawa ng pagpapatrolya dakong alas-3 ng hapon sa lugar nang humingi ng tulong ang isang security guard na si Emiliano Sevilla, kung saan nakita nito ang mga suspek habang nasa loob ng establisimyento na ninanakaw ang mga mamahaling cellphone.

Hindi na nagawa pang makatakas ng mga suspek makaraang masukol ng mga pulis, kung saan nabawi mula sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng mamahaling cellphone mula sa nabanggit na kumpanya.

Samantala, detenido na ngayon ang mga suspek sa Baliuag Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.