3 Kawatan ng pawnshop, huli sa loob ng tosang

DIRETSO SA SELDA ang tatlong kawatan habang papalabas sa tunnel o tosang na ginawa nilang lagusan para pagnakawan ang isang pawnshop sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Sa ulat na nakarating kay PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr, pasado alas 2:00 ng madaling araw nang madakip ang tatlong kawatan na ayaw aminin ang kanilang pangalan sa ginawa nilang tunnel o lagusan ilang metro sa Palawan Pawnshop sa White Beach.

Ayon kay Sr. Supt. Danilo Obungen Garcia, una nang nadakip ang isang kasamahan ng mga ito dakong alas-1:30 ng madaling araw at inaming may tatlo pa siyang kasama.

Bagaman arestado, tikom ang bibig ng mga hinihinalang miyembro ng Acetylene/Bolt-Cutter Gang upang ipaalam kung sino sila at kung saan nakatira.

Narekober sa apat ang acetylene/bolt-cutter, jack hammer, at iba pang kagamitan para sana buksan ang vault ng pawnshop at cal.38 na baril ng security guard.

Bigo naman ang mga kawatan na may makuhang salapi sa nasabing pawnshop. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.