3 Kawani ng Ospital, Nagka-Trauma sa Butangerong Konsehal

POSIBLENG MAHARAP sa kaso ang isang konsehal ng Calumpit, Bulacan, matapos umanong takutin ang tatlong kawani ng Bulacan Provincial Hospital na dumaranas ngayon ng trauma.

Sa report na tinanggap ni Ms. Letty Hilario, Administrative Officer-lV ng panlalawigan pagamutan, kinilala ang mga biktima sina Jonel Guballa, Arlyn Sebastian at isang Angelyn, kapwa nasa hustong gulang habang ang suspek naman ay nakilalang si Gino Torres na aktibong konsehal ng bayan.

Base sa inisyal na report ng capitol guard, dakong alas-9 ng umaga nang maganap ang insidente nang dumating sa pagamutan ang suspek, kung saan una’y nakiusap ito na unahin ang kanyang anak na nakagat ng aso.

Nabatid na binigyan din ito ng numero ng pedia dahil naubusan na ito ng numero para sa nakagat ng hayop, kung saan ikinagalit umano nito ang pangyayari.

Dito na nagsimulang magtaas ng boses ang konsehal na isinigaw umano nito na “Baka hindi n’yo ako kilala? Konsehal ako ng Calumpit! Saan ka umuuwi at aabangan kita!” Bagay na labis na ikinatakot ng mga empleyado ng pagamutan.

Pinatunayan naman ng ilang mga nakasaksi ang pangyayari maging ang mga naka-duty na capitol police ay nakaranas din umano ng pangha-harass mula sa umano’y butangerong konsehal. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.