3 KAWANI NG MERALCO TIKLO SA PAGNANAKAW

ARESTADO ANG TATLONG empleyado ng Manila Electric Company (Meralco) sa aktong nagbebenta ng mga ninakaw na spare parts para sa kuryente sa isang junk shop kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Alfred Chavez, 29 anyos, may-asawa, lineman I ng Miescor Builder Inc. (MBI), at residente ng Block 10, Dreamland Subd. Bulacan; Julius Bueno, leadman, ng # 526 Dr. Sixto Antonio Ave., Rosario, Pasig City; at Edwin Bonifacio, driver, residente naman ng # 15 Torres Subd., Burgos, Rodriguez, Rizal.

Ang tatlo ay inireklamo ng Meralco representative na si Nestor Carlos, 54 anyos, may-asawa, security officer ng nasabing kumpanya.

Sa kanyang salaysay kay SPO4 Rogelio Villanueva, ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB) dakong alas-6:00 ng umaga nang lumabas ang tatlo sakay ng service closed van na may plakang VDN-435 para mag sagawa ng operation laban sa mga illegal connection sa isang compound sa San Joaquin, Pasig City.

Dakong alas-2:30 ng hapon bumalik sa opisina ang tatlo para sa turn-over ng mga nakumpiskang apat na pole clamp at isang sako ng sealing ring na nagkakahalaga lahat ng P2,766.

Pagkalipas ng isang oras, muling umalis ng Meralco office ang tatlo subalit hindi naman umano ibinalik  ang kanilang nakumpiskang mga gamit.

Sinabi pa ni Carlos na dahil sa matagal na nilang pinaghihinalaan ang tatlo, kanila itong sinundan hanggang sa Project 4, Quezon City, kung saan ibinaba ang nasabing mga spare parts.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.