3 Katao, Timbog sa Buy-Bust

CAMP GEN. ALEJO Santos, Bulacan – Hindi na nagawang makatakas pa ng tatlong kalalakihan na umano’y tulak ng ipinagbabawal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng PDEA at PNP, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na  sina Maricel Bagamsat, 30 anyos, tubong-Bicol, ng Brgy. Lambakin, Marilao kung saan nakuha sa kanya ang tatlong plastic sachet ng Shabu.

Kasunod na nadakip ng tropa ni P/Supt. Eric Noble, si Joselito Arceo Y Baretto @ Jojo, 37, ng Brgy. Lungos, Meycauyan City kung saan 10 plastic sachet ng mataas na uri ng Shabu ang nakuha; at si Arman Estrella @ Stick, 35, residente ng  Sitio Buhangin, Brgy. Atlag, Malolos City, na nakuhanan naman ng hindi mabatid na gramo ng Shabu at isang cal. 22 na baril na walang lisensiya.

Base sa inisyal na report, dakong alas-10 ng gabi nang matukoy ang mga lugar ng mga suspek makaraang inguso ito ng mga concerned citizen sa mga nabanggit na lugar.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.