3 katao sugatan sa iligal na peryahan sa Valenzuela

MALUBHANG NASAKTAN ANG isang on-the-job training (OJT) at dalawa pang kababaihan makaraang tumilapon ang sinasakyang swan cart ride ng mga ito sa isang peryahan sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Mga nakaratay ngayon sa Valenzuela City General Hospital (VCGH) sanhi ng mga tinamong pilay at sugat sa katawan ang mga biktimang sina PO1 Jose Narag, Jr., 24; Ligaya Abuloc, 25 at Glenda Peñaflorida, 24, pawang mga naninirahan sa nasabing lungsod.

Batay sa natanggap na impormasyon ng Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela City PNP, ang nasabing insidente ay naganap bandang alas-10:00 ng gabi sa peryahan na matatagpuan sa kahabaan ng Mula-winan St., Brgy. Lawang Bato.

Napag-alaman sa nasabing himpilan ng pulisya, sumakay ang mga biktima sa swan cart ride sa loob ng naturang peryahan at habang nasa kasarapan ang mga ito sa pagsakay nang bigla na lamang kumalas ang sinasakyan ng mga ito.

Magkakahiwalay na tumilapon ang mga biktima sa lupa ng sasakyan na naging dahilan upang magtamo ang mga ito ng pilay at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad na dinala sa nabanggit na pagamutan kung saan ginagamot ang mga ito.

Kasalukuyan namang inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng may-ari ng peryahan upang pormal na masampahan ng kaukulang kaso dahil sa naganap na insidente.

Ayon sa impormante ng Pinoy Parazzi, malaking halaga umano ng pera ang ibinigay ng may-ari ng peryahan sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Eric Reyes, hepe ng Valenzuela PNP para makapag-operate ng peryahan na umano ay may mga iligal na colored game at sugal dice.  (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “3 katao sugatan sa iligal na peryahan sa Valenzuela

Leave a Reply

Your email address will not be published.