3 Katao, Nilamon ng Ilog

NATAGPUAN NA ang bangkay ng tatlong nalunod sa ilog sa kalagitnaan ng pista sa Apalit, Pampanga.

Positibong kinilala ng kanyang magulang ang 14-anyos na biktimang si Rainier Calma.

Ayon sa ina ng biktima na si Gloria, Huwebes ng tanghali nang umalis ang kanyang anak at kaibigan nito upang salubungin ang fluvial parade ng kanilang patron. Pasado alas-3 na ng hapon nang mabalitaang nawawala umano ang anak matapos maligo sa ilog.

Patay rin ang binatang si Giovanni Lucio matapos malunod sa nasabing ilog. Dumayo pa sila mula Maria Aurora upang maki-pista, ayon naman sa ama ng biktima.

Ganito rin ang sinapit ng isa pang biktimang si Rodean Deang, na pinaniniwalaang nalunod din sa ilog.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad kung may foul play sa insidente habang pinagbawalan na ang mga kabataang huwag munang maligo sa ilog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.