3 Katao, Natusta sa Sunog sa Cebu; Mga Bombero, Sinisi

NAGDADALAMHATI ANG mga pamilya ng tatlong katao na nasawi sa sunog kahapon ng umaga sa Upper Lusimba St., Brgy. Poblacion Pardo, Cebu City.

Una rito, kinilala ang mga namatay na sina Ester Abellon, 60, asawa ng isang mediaman; Rosalie Tagacanao, 30; at 12-anyos na binatilyo na si Rafael Dolalia na natagpuan sa nasunog na rattan factory na pagmamay-ari ng isang Jeffrey “Toting” Tagacanao.

Sinisisi ng mga kamag-anak ng mga nasawi ang mga bombero sa fire sub-station ng kanilang barangay matapos na hindi ito nakaresponde dahil may dinaluhang meeting ang hepe dala umano ang kanilang fire truck.

Maaari sanang nakaligtas ang mga biktima kung agad na nakarating ang mga bombero nang nagaganap ang sunog.

Plano naman ng mga residente na magsampa ng reklamo ukol sa nasabing insidente.

Umabot sa P300,000 ang iniwang danyos ng naturang sunog kung saan mahigit sa 30 kabahayan ang natupok ng apoy habang patuloy pa rin sa pagsisiyasat ang mga kinauukulan sa naging sanhi ng sunog. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.