3 Katao, Huli sa Baril at Bala sa Videoke Bar

STA. MARIA, BULACAN – Arestado ang tatlong kalalakihan habang masayang nag-iinuman sa isang videoke bar, makaraang magsagawa ng Oplan Bakal ang mga tauhan ng Sta. Maria Police sa Brgy. Guyong sa nabanggit na bayan, kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Romar Gavino 24, binata, security guard at residente ng Brgy. San Isidro, Hagonoy; Garciano Emerencio, 45, ng Brgy. Bagong Silang, Caloocan City; at Joe Art Narido, 22, ng Brgy. Casio sa bayang ito.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-3 ng madaling -araw nang makatanggap ng impormasyon ang mga pulis na may tatlong kalalakihan na nag-iinuman na may nakasukbit na baril.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang cal. 38 at mga bala ng baril.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Sta. Maria Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila dahil sa kawalan ng dokumento ng dala nilang armas.

(TONY DELA PEÑA)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.