3 Karnaper, Timbog sa Follow-Up Operation

NADAKIP NA sa isinagawang follow-up ng mga tauhan ng Bulacan Police ang tatlong kalalakihan na umano’y sangkot sa nakawan ng motorsiklo sa Pandi, Bulacan at karatig-bayan.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang mga nadakip na sina Redentor de Guzman, 31, ng Brgy. Dalig, Balagtas; Edgardo Enriquez, 29, ng Brgy. Poblacion; at Michael Guevarra, 35, ng Brgy. Bunburan 2nd, Pandi; habang ang isa sa huling biktima ay nakilalang si Hernani Paira, 53 anyos, residente ng Brgy, Manatal.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, naka-park lamang ang motorsiklo ng biktima sa harap ng kanilang bahay nang bigla na lamang tangayin ng mga suspek. Dahil dito’y agad na humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima na nagresulta naman sa pagkakadakip ng mga suspek, habang gamit ang motorsiklo na may plakang 1051-KM.

Nabatid pa sa ulat ng  pulisya na may mga dati nang kaso ang mga magkakaibigan, subalit ngayon lamang sila natagpuan sa liblib na lugar ng Brgy. Manatal.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Pandi Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.