3 Kampo ng NPA, Nakubkob

TATLONG KAMPO ng New People’s Army (NPA) ang nakubkob ng tropa ng pamahalaan sa bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Col. Noel Bravo, commanding officer ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army, nagsasagawa sila ng hot pursuit operation laban sa pinag-isang grupo ng Southern Alip Regional Guerilla Unit (SARGU) at Front 72 nang madiskubre ang mga kuta.

Sa pagsisiyasat, nasamsam ang mga mahahalagang dokumento ng mga lider ng NPA, personal belongings at iba pang mga gamit.

Naniniwala si Bravo na inabandona ng mga rebelde ang nasabing mga kampo matapos ang ilang araw na engkuwentro sa pagitan ng mga ito at mga sundalo.

Sa ngayon, inookupa na ng mga sundalo ang nasabing  kampo na malapit lamang sa isang kuweba na pinaghihinalaang isa sa mga pinagtataguan din ng mga rebelde.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.