3 Intsik huli sa mini-Shabu lab

DAKIP ANG TATLONG Chinese national kabilang ang isang babae matapos madiskubre ang mini-Shabu laboratory sa kanilang inuupahang apartment sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga nadakip na sina Cai Lian Quiao, 38; Wang Xiao Yan, 22; Cai Hong Xuan, 30 kapwa ng Asuncion St., Morning Breeze Subd., ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, alas-3:30 ng hapon, maghahain ng warrant of arrest ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa nasabing bahay para sa isang Jimmy Chua subalit nang makita ito ng tatlo ay agad na nagsitakbo.

Dahil dito, hinabol ang tatlo at nang madakip ay hinalughog ang bahay kung saan nadiskubre na ginawang mini-shabu lab ang isang silid.

Nakuha ang 200 gramo ng shabu, maliit na burner at ilang chemicals sa paggawa ng Shabu, kung saan 15 sachet pa ang nakuha sa nakaparadang sasakyan ng mga suspek na naging dahilan upang damputin ang tatlong Intsik.       (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.