3 Intsik, Huli sa mga Pekeng Tsinelas

KULONG ANG tatlong Chinese national matapos mahulihan ng mga pekeng tsinelas sa bisa ng search warrant sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga suspek na sina James Sy, 41; Zhan Jin Xing, 27 at Kezan Chen, 25 pawang ng T. Santiago St., Canumay West ng lungsod.

Nabatid na isang opisyal ng Sandugo ang lumapit sa mga pulis dahil natuklasan na may mga hawak ang mga suspek ng mga pekeng tsinelas ng nasabing kumpanya.

Alas-3 ng hapon, sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Lylina Abella Aquino ng Manila RTC, Branch 24, pinuntahan ng mga pulis ang nasabing lugar at naghalughog at nakuhanan ng mga pekeng tsinelas ng Sandugo.

Nabatid na sa-sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Intellectual Property Code o pagbebenta, pamamahagi o pag-aalok ng mga pekeng produkto.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.