3 Indian nationals niratrat; 1 patay, 2 sugatan

DEAD ON arrival sa pagamutan ang isang Indian national habang sugatan ang dalawa pa nang pagbabarilin ng rinding-in-tandem sa Unisan, Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Herjinder Singh, 37-anyos, habang nasugatan naman ang dalawa nitong kapatid na sina Jatinder, 27 at Gurpreet, 23 anyos na pawang mga tubong-Moga, India at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Poblacion 9, Catanauan, Quezon.

Base sa ipinarating na impormasyon ng Quezon Police Provincial Office sa Bombo Radyo Naga, napag-alaman na sakay ng itim na Toyota Vios ang magkakapatid nang huminto sa tindahang pagmamay-ari ng isang Consuelo Rodil para mangolekta ng perang pautang.

Nang pabalik na umano si Gurpreet sa sasakyan ay bigla itong dinaanan ng dalawang hindi nakilalang salarin sakay ng motorsiklo at dito pinagbabaril sa loob ng sasakyan.

Nakalabas naman si Jantinder sa sasakyan at tumakbo papasok sa tindahan subalit hinabol pa ito ng putok ng mga salarin na nagtamo naman ng tatlong tama sa likod.

Habang tatlong tama rin ang tinamo ni Herjinder na siyang nasa driver’s seat sa mga oras na iyon.

Agad naman umanong isinugod sa ospital ang tatlong biktima subalit hindi na umabot pa nang buhay si Herjinder dahil sa tindi ng tama nito habang nagpapagaling pa rin sa pagamutan ang dalawa nitong kapatid.

Narekober din sa crime scene ang walong (8) gamit na shell para sa caliber .45 na baril.

Samantala, palaisipan pa rin ang motibo sa krimen dahil wala namang nakuhang pera sa mga biktima.

Sa ngayon, nagpa-patuloy ang pagsisiyasat  ng mga kinauukulan sa pagkakatukoy sa mga suspek sa naturang  insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.