3 Illegal Recruiter, Nalambat sa Entrapment

TATLONG ITINUTURONG illegal recruiter ang arestado sa entrapment operation sa mismong barangay hall ng Barangay Tumaga, Zamboanga City.

Kinilala ang mga dinakip na sina Asia Jimlani, Jaji Murusad at si Jamjaila Murusad.

May nagsumbong umano sa pulisya na ang tatlo ay nangongolekta ng halagang P9,000 kada isang residenteng makukumbinsi para makapagtrabaho sa Malaysia.

Ginawa ng tatlo ang kanilang transakyon sa mismong barangay hall ng nasabing barangay kaya kaagad naglunsad ng entrapment operation ang pulisya.

Natiyempuhan ang mga ito na kinokolekta ang libu-libong halaga mula sa ilang mga interesadong aplikante na gustong sumama sa Malaysia at magtrabaho roon.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, walang naipakitang mga legal na dokumento ang tatlong illegal recruiter.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.