3 huli sa paihi

KULONG ANG TATLONG kalalakihan kabilang ang driver at pahinante ng bus matapos sipsipan ng krudo ang pinapasadang bus sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan Police ang suspek na sina Romeo Mesina, 44, driver; pahinanteng si Reymark De Ala, 19 kapwa ng San Vicente, Nueva Ecija; at kasabwat na si Andres Basilio, 34 ng Stotsenburg St., ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi, sinisipsipan ng mga suspek ng krudo ang RJ Bus (RIK-356) sa 10th St., sa pagitan ng 7th at 8th Avenue ng lungsod nang madaanan ng mga barangay tanod.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang dambahin ng mga tanod at dinala sa presinto kung saan nabawi ang higit-kumulang 20 litro ng krudo na nasa container.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.