3 Hostage Survivor, ligtas na sa peligro

PELIGROLIGTAS NA SA peligro ang tatlong Hong Kong nationals na kabilang sa mga biktima ng hostage-taking na naganap sa isang tourist bus noong kamakalawa sa darap ng Quirino Grandstand sa Maynila.

Ayon sa mga opisyales ng Manila Doctors Hospital, tatlo sa mga nabanggit na turista na malubhang nasaktan sa nangyaring hostage drama ang nasa mabuti nang kundisyon.

Isa sa mga lalaking biktima na nasa edad 20 pataas ang sumailalim sa brain surgery, matapos ang mahigit 11-oras na bus drama, ang napag-alamang nasa mabuti nang kalagayan ngayon, ayon kay Dr. Mario Juco.

Isang 67-taong gulang na babaeng Chinese national naman ang kasalukuyan pa ring inoobserbahan sa ospital dahil sa tinamong “inhalation distress” bunga naman ng pagkakasinghot niya ng tear gas nang magsimulang umatake ang assault team sa kinaroroonan ng hostage-taker na si former Senior Inspector Rolando Mendoza.

Malugod namang ipinahayag ni Dr. Juco na maayos na ang babae at nakakapagsalita na ito. Isa namang 47-taong gulang na lalaki ang patuloy na sumasailalim sa mga test sa dahilang malubha ang pagkakabali ng kamay nito, ayon pa rin sa doktor.

Ayon naman sa report ni Director Pilar Ninuca Almira, ang katawan ng tatlo pang Hong Kong national na namatay matapos ang madugong insidente ay dinala mula ospital patungong crime laboratory sa Camp Crame, Quezon City bago dalhin sa punerarya.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.