3 Holdaper, Utas sa Engkuwentro

 

PATAY ANG tatlong hinihinalang holdaper matapos maka-engkuwentro ang mga awtoridad sa Longos, Pulilan, Bulacan bandang alas-11 ng gabi kamakailan.

Ilang araw nang minamanmanan ng mga pulis ang tatlong suspek na kinilala sa mga alyas Ogie, Embong at Fernan dahil sa pagkakasangkot sa serye ng panghoholdap at carnapping sa nasabing lugar.

Muli umanong umatake ang mga suspek at nang-snatch ng cellphone ng isang dalagita at sumunod namang nangholdap ng isang tricycle driver at kinuha ang kinitang pera nito.

Namataan ang mga salarin matapos magtayo ng checkpoints sa lugar, kung saan agad silang pinaputukan nito kaya’t gumanti ang mga alagad ng batas.

Dito na napatay ang mga suspek kung saan narekober sa kanila ang tatlong paltik na baril at isang motorsiklong hinihinalang galing sa carnap.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.