3 Holdaper, Patay sa Hit and Run

PATAY ANG tatlong holdaper matapos masagasaan habang hinahabol ng mga awtoridad dahil sa pambibiktima ng negosyante sa Bayombong, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Police Senior Inspector Gerald Gamboa na nasa biyahe ang manager na si Liwanag de Castro kasama ang driver nito nang harangin ng tatlong holdaper.

Tinangay ng mga ito ang mahigit P300,000 cash ng biktima.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad pero habang tinutugis ang mga suspek ay nabunggo ang tatlo at tinakasan ng hindi pa kilalang motorista.

Samantala, itinakbo pa sa pagamutan ang mga holdaper pero idineklarang dead-on-arrival.

Kinilala ang dalawa sa mga ito na sina Richard Agne at Jack Balsita.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.