3 Holdaper, Patay sa Engkwentro sa QC

PATAY ANG tatlong pinaghihinalaang holdaper matapos na makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng QCPD sa Quirino Highway, Novaliches, Quezon City.

Base sa inisyal na report ng QCPD, pinasok umano ng mga salarin ang isang intenet café. Nataon namang nagpapatrolya ang mga pulis kaya’t nakita nila ang naturang insidente.

Ngunit sa pagresponde ng mga alagad ng batas, biglang nagpaputok ang mga suspek hanggang sa gumanti ang mga kinauukulan.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang kalibre .38 at isang kalibre .45 at mga ninakaw sa loob ng computer shop.

May hinala ang pulisya na hindi taga-Quezon City ang mga nasawi. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.