3 Holdaper, Nasakote

KULONG ANG tatlong holdaper makaraang masakote ng mga pulis nang mambiktima sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Nakilala ang mga suspek na sina Raffy San Antonio, 27, ng PNR Cmpd.; Ivan Esposo, 22, ng Salmon St., kapwa ng lungsod; at Raymond Medalya, 21, ng Bagbag, Quezon City.

Sa ulat, alas-4:35 kahapon ng umaga nang holdapin nina Esposo at Medalya si Estrella Tangonan, 21 sa Sabalo St., ng lungsod.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone at pera ng biktima bago nagsitakas, kung saan nakahingi naman ng tulong si Tangonan sa mga pulis na naging dahilan upang habulin at madakip.

Samantala, alas-10 kamakalawa ng gabi nang tutukan ng patalim ni San Antonio si Kylle Joselle Aviso sa Sansom Rd., ng lungsod.

Tinangay ng suspek ang cellphone at pera ni Aviso subalit nakahingi ng tulong sa mga pulis ang biktima na naging dahilan upang madakip ang una.

Kapwa naman nabawi ang mga nakulimbat sa magkahiwalay na holdapan. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.