3 Holdaper nakorner, kulong

KULONG ANG TATLONG hinihinalang holdaper matapos nang holdapin ng mga ito ang isang lalaki habang ang huli ay nag-aabang ng masasakyang jeep kamakalawa ng u-maga sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City police ang mga suspek na sina Jonathan Cruz, 17,  at Julius Cruz, 29, kapwa residente ng Damata St., Dagat-dagatan, Caloocan; at Recardo Pangan 25, ng Bonifacio Market ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni P/Insp. Rolando Armendez, hepe ng Mobile and Bike Patrol Unit ng Caloocan-PNP, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng BMC Mc Arthur Caloocan City.

Ayon sa biktimang si Michael Paez, nasa hustong gulang, ng Sta. Maria Bulacan, nag-aabang siya ng masasakyang jeep sa naturang lugar nang lapitan ito ng tatlong suspek na armado ng patalim.

Agad na tinutukan ng mga suspek ng patalim ang biktima sabay pahayag ng holdap at sapilitang kinuha ng mga una ang wallet ni Paez na naglalaman ng P2,000 saka nagsitakas.

Subalit minalas ang mga ito nang makorner nina SP01 Menrado Masalihit at P03 Samuel Dela Cruz na noo’y kasalukuyang nagpapatrolya sa naturang lugar at binitbit sa presinto.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.