3 holdaper, inginuso ng mga biktima

RIZAL – WALANG NAGAWA sa mga opisyal ng barangay ang tatlong holdaper nang arestuhin ang mga ito matapos ituro ng naging biktima nila kamakalawa ng madaling-araw sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City Chief of Police P/Supt. Rodino Elfa ang mga nasakoteng suspek na sina Fritz Gerald Ruiz alyas “Amang”, 26-anyos, may asawa, residente ng Piso St., Lucban, Phase 4, Brgy. Dela Paz; Jason Nacario, 30, binata ng Phase 2-B, Brgy. Sta. Cruz; at Allan Gabitan, 34, binata ng Phase 2-B, pawang ng nasabing lungsod.

Ang mga suspek ay naaresto dakong alas-12:15 ng madaling-araw sa pangu-nguna ni Kag. Allan Prudenciado sa Tanglaw Road, Sitio Tanglaw, Brgy. San Isidro, Antipolo City.

Nabatid na ang mga suspek ay kagagaling lamang umano sa panghoholdap at naghahanda para sa panibagong pag-atake nang itimbre ng isang biktima na nakakita sa mga ito.

Bagama’t hindi pa pina-ngalanan ang biktima ay inihahanda na ang kasong robbery hold-up laban sa mga suspek na kinasuhan din ng pulisya ng illegal possession of firearms ang bladed weapons nang makuhanan ang mga ito nang maaresto.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.