3 Hinihinalang Biktima ng Salvage, Natagpuan sa Bulacan

TATLONG PATAY na katawan ng lalaki na hinihinalang mga naging biktima ng summary execution o salvaging ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa mga lungsod ng Meycauayan at San Jose del Monte sa Bulacan na may mga tama ng bala ng baril sa katawan kamakalawa.

Sa nakalap na ulat ng Pinoy Parazzi, dalawang lalaki ang natagpuang patay at may mga tama na bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan sa Brgy. Graceville at Bgy. Gaya-Gaya, SJDM City.

Base naman sa report ng San Jose del Monte Police Station kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduña, ang lalaki na natagpuan sa Brgy. Graceville na may tama ng dalawang bala sa kanyang dibdib ay may edad na 30-35, taas na 5’4”-5’ “6, nakasuot ng gray T-shirt at maong na short pants.

Nakita naman na nakalutang sa ilog ng Towerville 6, Brgy. Gaya-Gaya, ang isang lalaki na may tama rin ng bala ng baril sa likurang bahagi ng kanyang katawan. Nasa edad 30-35, may tattoo na BCJ sa katawan.

Dakong alas-10:30 ng umaga kamakalawa naman nang matagpuan ng nagpapatrulyang barangay tanod na si Romeo Ferrer ang katawan ng isang lalaki na nakasilid sa sako at nakalutang sa ilog ng Brgy. Calvario, Meycauayan City.

May dalawang tama ng bala sa kanyang ulo at inilalarawan lamang sa 20-25 anyos, 5’5” ang taas, nakasuot ng T-shirt na may tatak na Bossini Jeans at initimang berdeng short pants.

Blangko ang pagkakakilanlan ng pulisya sa mga biktima na hinihinalang itinapon lamang sa mga naturang lugar upang lituhin ang imbestigasyon.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.