3 Hapones, Timbog sa Pagpuslit ng Malaking Halaga ng Yen at Dolyar

NATIMBOG ANG tatlong Japenese national matapos magpuslit ng sangkaterbang dolyar at yen sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ang mga salarin na sina Zusuki Yuso, Takayachi Buszi at Tarashami Zeyta.

Pasado alas-10:00 Huwebes ng gabi nang dumating sa NAIA Terminal 1 ang tatlong dayuhan sakay ng Japan Airlines flight JAL-745.

Sinalubong sila ng isang Pinay na si Mary Garce Portugues, empleyado ng isa sa tatlong Hapones na nahuling may kumpanyang Sorriso Philippines sa Global City, Taguig.

Sinabi ni Customs intelligence agent Rogelio Cunanan na bago pa man dumating ang eroplano ay tumawag na sa kanila ang Japanese Customs Bureau upang ibigay ang impormasyon na darating ang tatlong Hapones na may dalang mga perang dolyar at yen.

Samantala, patuloy pa ring isinasagawa ang imbentaryo sa mga pera na tinatayang nagkakahalaga ng P50 milyon batay na rin sa impormasyon mula sa Japanese Customs.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.