3 Hapon, tiklo sa pot session

MEYCAUAYAN CITY – WALANG kawala ang tatlong Japanese national makaraang mahuli sa akto na gumagamit ng Shabu ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) at ng mga tauhan ng Meycauayan Police kamakalawa ng gabi sa Brgy. Caingin.

Sa report na ipinadala ni P/Supt. Eric Noble kay PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Yamadaya Katsuhiro, 49, beerhouse manager ng isang KTV Bar sa Valenzuela City; Seino Fumiko, 45, binata, kapwa ng Veinte Reales Valenzuela; at Nagasawa Ichiro, 46 ng Brgy. Tugatog sa lungsod na ito.

Base sa inisyal na imbetigasyon ni P02 Francis Reyes, gabi nang makatanggap sila ng isang impormasyon mula sa ilang mga concerned citizen na may mga taong humihitit ng ipinagbabawal na droga sa isang abandonadong bahay sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang hindi pa mabatid na gramo ng Shabu at ilang mga Shabu paraphernalia. Paglabag sa Republic Act 9165 ang kinakaharap ng mga suspek na kasalukuyang nakakulong ngayon sa Meycauayan City Jail.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “3 Hapon, tiklo sa pot session

  1. Pingback: 3 Hapon, tiklo sa pot session - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.