3 Estudyanteng Nagda-Damo, Inginuso ng Titser

TATLONG ESTUDYANTE ng Macario Asistio High School ang naaresto hinggil umano sa pag-iingat ng Marijuana sa loob ng nasabing paaralan kahapon ng tanghali.

Kinilala ang mga naa-restong estudyante na sina Johnwil at Jomarie, kapwa ng Flovie Homes, Letre, Malabon; at Mark Jayson, ng Julian Felipe, Tupda, Caloocan City.

Ayon kay Barangay 14 Chairman Alexander Mangansar, dakong alas 10:45 ng umaga nang maa-resto ang mga nasabing estudyante sa loob ng nasabing paaralan.

Nabatid na isang ayaw magpakilalang guro ng paaralan ang nakakita sa tatlong suspek na nag-iingat umano ng dalawang hindi kalakihang plastic na naglalaman ng Marijuana.

Kaagad namang tumawag ang nasabing guro kay Mangansar hinggil sa pag-iingat ng mga suspek ng nasabing droga.

Kaagad na inatasan ng nasabing punong barangay ang kanyang mga tauhan at inaresto ang mga suspek. Ang mga nasabing suspek ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan PNP at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 na kilala sa tawag na Dangerous Drug Act.

 (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.