3 Estudyante, Tiklo sa Marijuana

INARESTO NG mga awtoridad sa Santiago City ang tatlong estudyante dahil sa pag-iingat ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Ang mga dinakip ay sina Aristotle Ancheta, 28, residente ng Centro West, Santiago City; Eduardo Montejo, 21, residente ng Batal, Santiago City; at Kelvin Samonte, 20, residente ng Cordon, Isabela.

Ang tatlong estu-dyante ay inaresto matapos makita ng mga nagpapatrolyang pulis na kahina-hinala ang ikinikilos.

Sa isinagawang ins-

peksyon ng mga kinauukulan, nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang sachet ng pinatuyong dahon ng Marijuana.

Agad isinailalim sa drug test ang mga kabataan sa PNP Crime Laboratory upang malaman kung sila ay gu-magamit ng ipinagbabawal na droga.

Sa ngayon, ang tatlo ay nahaharap sa kasong Possession of Illegal Drugs at posibleng madagdagan ang kanilang kaso kapag napatunayang sila ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot base sa resulta ng pagsusuri ng Crime Labotarory.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.