3 Estudyante, Ninakawan na, Minanyak pa

MALIBAN SA pagnanakaw ay nagawa pang pagnasaan ng isang kawatan ang ilang mga kababaihan sa loob ng isang boarding house sa bayan ng Polangui, Albay.

Kinilala ang mga nasabing biktima na sina Diana Regalario y Madrinian, 17; Baby Jane Regalario y Sevilla, 21, at Luisa Villanueva y Benzon, 18, mga residente ng Brgy. Apud, Libon.

Ang mga ito ay pawang mga estudyante at boarders ng Alpapara Boarding House sa Brgy. Centro Oriental, Polangui.

Lumalabas sa report, bandang alas-4:30 ng madaling-araw, nang mapansin ng biktimang si Diana na may humahaplos sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi ito agad na nakasigaw, subalit nang mapansin ng magnanakaw na ito ay nagising, agad naman itong kumaripas ng takbo palayo.

Napag-alaman na dumaan ang salarin sa mismong main door ng boarding house gamit ang kutsilyo para mabuksan ang door knob.

Samantala, natangay sa mga biktima ang cash at  ilang mga mamahaling gamit.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.