3 Estudyante Nalunod sa Dagat

PATAY ANG TATLONG high school student matapos na malunod sa karagatan ng Brgy. Cabaroan, Sto. Tomas, La Union noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jamel Joy Runas, Joyce Ann Blossom Camaso, at Lea Mae Martinez na pawang 13-anyos at magkakaklase sa 1st year sa Don Eufemio Eriquel National High School sa Agoo, La Union.

Nabatid na bago nangyari ang insidente, napagkaisahan ng tatlong estudyante na mamasyal sa tabing-dagat at maligo sa mababaw na bahagi nito.

Masayang naliligo ang tatlo kaya hindi nila napansin na napagawi na sila malapit sa malalim na bahagi ng dagat at dito ay tinangay sila ng malakas na alon at dinala sa gitna hanggang sa malunod ang mga biktima.

Narekober ang bangkay nina Joyce Ann at Jamel Joy ilang oras matapos malunod habang natagpuan naman ang bangkay ni Lea Mae noong Sabado ng umaga sa bahagi ng karagatan ng Brgy. Narvacan ng naturang bayan matapos na anurin ng malalakas na alon. (ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.