3 Estapador, Tiklo

MAKALIPAS ANG mahigit sa isang taong pagtatago sa batas nadakip na ng mga tauhan ng Bulacan PNP ang dalawang katao na kapwa sangkot sa kaso ng Estafa sa Cabanatuan City at Malolos City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Miguel Atienza kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang  nadakip na suspek na si Efren Esteban, 59 anyos, residente ng Sitio Bayumbon, Brgy. Poblacion, Norzagaray.

Dakong alas- 8:30 ng Huwebes nang arestuhin ang suspek sa loob ng kanyang tahanan sa dalawang kaso ng Estafa.

Kasabay nito nadakip din ng mga awtoridad ang isa pang estapadora sa Brgy. Bangcal, Malolos City. Kinilala ni P/Supt. Dave Poklay ang suspek na si Analiza dela Peña, 42 anyos, isang fish vendor.

Bandang alas-7:30 ng gabi ng Mayo 18 nang arestuhin ang suspek. Habang arestado rin ang isa pang wanted sa kaparehong kaso na si Cesar San Diego, 39 anyos, ng Brgy. Pritil, Guiguinto, Bulacan.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.