3, Drug Pusher-User, Timbog sa Buy-Bust

TATLONG KALALAKIHAN na umano’y mga drug-user at tulak din ng ipinagbabawal na droga ang nadakip sa magkakahiwalay na lugar ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police kahapon.

Sa ulat na tinanggap ni P/Sr. Supt. Joel Orduna, PNP Bulacan Provincail Director, kinilala ang mga nadakip na suspek na si Ronaldo SarmientoY Santos, 35 anyos, alyas “Taba/Ronald”, tricycle driver ng Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan.

Ganap na alas-5:30 ng umaga nang maharang sa checkpoint ng mga awtoridad ang isang tricycle na may plakang 8382-XN, lulan ng suspek na dala ang ilang gramo ng Shabu.

Kasunod nito’y nadakip din ng mga tauhan ng PDEA at Sta. Maria PNP ang isang lalaki, sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Guyong sa bayang ito.

Kinilala ni P/Supt. Lalaine Amparo ang nadakip na suspek na si Rodel Cabungcal Y Dela Cruz, 37 anyos, alyas “Tanggo”, tubong San Isidro, Nueva Ecija, residente ng Brgy. Antipona, Bocaue.

Nabatid na dakong alas-10:00 ng umaga nang madakip ang suspek habang lulan ng motorsiklo na may plakang 4447-CP, at nakuha rin sa kanya ang 8 sachet ng Shabu at Shabu paraphernalia.

Habang arestado uma-no ang  tulak din ng ipinagbabawal na droga sa Brgy. San Isidro sa bayan ng Hagonoy na kinilalang si Ramil Manasan Y Pablo, 39 anyos, alyas” Bakbak”, isang electrician, residente ng Purok 9, Brgy. Sta Monica.

Nakumpiska mula sa kanya ang ilang gramo ng Shabu at Shabu paraphernalias.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.