3 Dekada ng ‘Sang Libo’t ‘Sang Tuwa!

INSTITUSYON NA ANG pangalang Tito, Vic and Joey sa larangan ng pagpapatawa. Tatlong dekada na ang longest running noontime show nilang Eat… Bulaga! na nag-30th anniversary last July 31, 2009. Ang nasabing noontime show ang pinakamasaya, pinakamataas ang rating at pinapanood ng masang Pilipino sa buong Pilipinas maging sa abroad.

Kuwento ni Joey de leon, sa kusina ni Tito Sotto nabuo ang title na Eat… Bulga! “’Yang title, marami kaming tinanong. Malikot kasi ang utak ko, ako ang nakaisip. Alam mo, nilalagyan ko ng meaning nu’ng natapos. Katabi ko nu’ng naisip ko ‘yun, isang taong nagngangalang Jesus Espiritu, so, guided kami agad.

“Alam kong mahihirapan sa titulo dahil Taglish kasi. Kaya ko naisip ‘yun, nanggaling kami ng isang taon sa Iskul Bukol na English-Tagalog din. So, ang utak ko nakatono sa ganu’n. At saka, bakyang-bakya ‘yung idea ko. Sabi ko, ‘eto kakagat ang ABCDE dahil may English may Tagalog, kalokohan ko lang.

“Eat… naghanap ako ng linya na magtatagal. Kaya kami naging iskalera sa school dahil alam naming hanggang may mahjong may iskalera. ‘Yun ang utak ko… hanggang may bata, may Eat… Bulaga! Dahil nilalaro natin ang mga anak natin ng ‘It… bulaga,’ nilaro ko lang ang Eat… Bulaga! Surprise sa food, whatever. Gusto nga naming ilipat sa gabi ito para masubukan lahat ang kainan, hahaha! So, ‘yun ang istorya. Sa una, mahirap kagatin pero katagalan, kumabit na siya.”

Nag-start ang Eat… Bulaga! sa Channel 9, na tumagal ng sampung taon sa ere. “Dapat ni-nine lang namin para 9… channel 9… 9 years. Lumagpas, senyales na ‘yun. Tapos, napunta kami sa Channel 2… five years,” say ni Joey.

Ipinaliwanag ni Ms. Malou Choa-Fagar kung bakit sila biglang lumipat sa Kapamilya network that time. “Maraming factors du’n. Na-sequester ang channel 9, nag-iba ang board, hindi namin malaman kung sino. Noong maging shaky ‘yung leadership ng (channel) 9, lumipat kami ng channel 2.”

Dugtong naman ni Joey, “During that time, kababalik lang uli ng Channel 2 sa private office, year 1989. Hindi naman namin kini-claim na parang binigyan namin ng buhay ‘yung pagpasok namin sa kanila. Naging bahagi lang kami ng tulong kahit papaano para sumipa. Hinihintay pa rin namin ‘yung medalya galing sa ABS, pero okey na sa amin ‘yung pagkilala nila sa amin.”

Five years tumagal ang Eat… Bulaga! sa ABS-CBN dahil five years ang kontratang pinirmahan nila sa nasabing network.

Formula nina Tito, Vic and Joey? “All for one, one for all,” mabilis na sambit ni Tito.

“Isang bagay lang ito na hindi nahahalata ng tao. Ang TV nakikita, du’n mo makikita wala kaming put-on, kung ano kami, natural. Kung ano kami nagkakilala, ‘yun kami. Wala kaming plastikan kasi, hindi kami nagmi-make-up, literally. Hindi kami nagmi-make-up sa TV, puwera na lang kung kailangang mag-babae. Siguro may kaunting lipstick. Pero make-up talaga? Tinatanggal lang namin ‘yung langis sa mukha. Kung ano ‘yung makita mo ‘yun na ‘yun. Tsismoso kami, kung ano kami normal. Kasi, ang TV, well-informed. Kailangang tsismoso ka, alam mo kung ano ang latest, kung sino ang naghiwalay, sino ang nabuntis. Lahat ‘yun kailangang pag-aralan mo para maging magaling kang host. Kasi, host nga, host nagsasalita at saka kumukuha ka nang impormasyon. Wala kaming sapawan, alam namin kung kailan magpi-period. So, ganu’n lang, natural kami, siguro mayroon kaming galing. Ang tawag ko nga du’n, magaling kaming tumagal,” paliwanag ni Joey.

“Other factor ‘yung ugali namin. Aside from that, kaming tatlo madaling magbasahan. Kasi, wala kaming itinatago, walang plastic, kung ano ‘yung sinasabi namin ‘yun na ‘yun,” dugtong naman ni Tito.

Ayon kay Joey, ang noontime show, kailangang grupo kayo, masaya ang bawat isa para lalong ma-entertain ang publiko. “Ang tingin ko kasi, especially sa noontime show, ang isang noontime show dapat ang atmosphere ay fiesta, tanghalian. Hindi ba ang fiesta, hindi naman sa gabi masarap kumain kung hindi sa tanghalian? Ang fiesta sa barangay, sa probinsiya, ang lechon ilalabas sa tanghalian, d’yan mainit ang kanin. Kailangang maraming bisita, maraming masaya, masaya na rin ang mga bisitang nanonood, ‘di ba?

“Alam mo, sa tradisyon ng noontime show, simulan mo sa Student Canteen, sa Magandang Tanghali na original. May konek pa rin sa amin dahil ‘yung nasirang Francis (Magalona), tatay niya ‘yung kauna-unahang host ng noontime show kung tutuusin, si Pancho Magalona. Laging grupo, barkada masaya… gang. Napansin mo rito sa Eat… Bulaga! marami ritong nagpapatawa, hindi ko sinasabing komedyante. Ang isang show na walang komedyante o walang nagpapatawa, isa lang ang host o dalawa, ibig sabihin nu’n ayaw pasapaw, ‘di ba?”

Kailangan ding sunod sa takbo ng panahon para mag-click ang isang show. “Susunod ka sa panahon. Ano ‘yung nakaka-entertain sa tao. ‘Yun naman ang kalakaran kahit sa America. Ngayon, uso na naman ang talent show, lahat nagre-reformat para maging talent show. Uso ang malulungkot na buhay, pero lumilipas din ‘yun, pero bumabalik,” kuwento sa amin ni Joey.

“Another factor is originality, mas madali sa aming pumasok ang idea kung original ‘yung idea,” wika naman ni Tito.

“Sumobra pa nga ‘yung pagka-masa namin nu’ng araw. Kami lang ang may record na ganu’n. Sabi namin dahil masa kami, hanggang ngayon masa, kahit sa pulitiko masa ang gamit. Sumobra kami dahil pumasok kaming naka-kamiseta para madikit sa masa. Naka-kamiseta kami, na-memo ako, pinagtanggol ko pa, mahal po ‘yan (signature brand). Sabi ng boss namin, wala akong pakialam. Nagso-shorts kami, rubbershoes na kung minsan magkaiba pa ang kulay, tsinelas, hindi nagpapagupit, hindi nag-aahit, sumobra nga kami,” sambit naman ni Joey.

Forever na kaya ang Eat… Bulaga! nina Tito, Vic and Joey sa Kapuso network? “Yun ang hindi namin masabi, only time and only God will tell. ‘Pag mahal kami ng istasyon, tuloy lang. Kung ayaw na, okey lang kami. Kami nga nakikita ko, baka sa kanto-kanto na lang kami mag-show ‘pag nagtagal… kanto ng England at France!” Pahayag ni Joey.

Ngayong nasa 30th years na ang Eat… Bulaga! may sopresa ang tatlo sa manonood. “Ang target namin, 30 scholars, humahanap kami ng 30 heroes, pinamimigay namin ‘yung pera. Thirty valedictorian, sagot namin hanggang college nila. Ngayon lang namin ginawa, dahil 30 years. ‘Yung thirty heroes, hinahanap ngayon na may ginawa sa bayan. Hindi na namin iniisip ‘yung kumita, iniisip namin kung papaano ipamahagi para makatulong sa mahihirap. ‘Eto pa, mag-uumpisa rin kami rito sa 30 years ng classroom. Gumagawa ang Eat… Bulaga! ng classroom sa lahat ng lugar na puwedeng pagtayuan ng classroom sa eskuwelahan. Eskuwelahan ang ibibigay namin sa Department of Education,” pahayag ni Tito na excited sa bago nilang project para sa mahihirap.

by Eddie Littlefield

loading...

32 thoughts on “3 Dekada ng ‘Sang Libo’t ‘Sang Tuwa!

  1. compare to wowopwe, i like EB. However, i noticed the show becomes boring and lifeless, death!

    jimmy, ruby, julia, luoigee, paolo, toni rose, anjo, joseng estapador at eb dancers n wlng kwentang sumayaw, dapat d2 tanggalin n cla s EB, hindi n nga cla nkk2long s rating, pabigat p s payroll!

    bago mag perfrom ang contestant kailangan may “drama interview portion” pa! nakakaboring cla at dapat ng i-recylce ang show.

    paging malou choa fagar, do something please!

  2. badtrip ang parazzi,ilang days na ako ng aantay ng new issue pero d rin tnatanggal ang lintk n eb,,wla kwenta nakakasuka si joey gorilla.palitan nyo n issue..nkakasira ng araw si joey tsungo..at c jose halimaw..joey anak ni kingkong..paglabas unggoy pa rin..hahaha

  3. hahaha
    kami dito s mindanao wowowee kasi masaya cla lalo n c pokwang eh ang gme yakz ang boring nila mga wala pang kaklasklas mgjoke ang bulaga hahaha kaw sofia bulaga mo n lng sarili mo s banyo hahaha

  4. 30 years of non-stop good shows and happy lunch time with dabarkads eat bulaga walang makakapantay dyan at hindi kailangang manloko ng tao at mandaya.hehehe!!!!!!!!

  5. Trying hard si Joey magpatawa sa Mel & Joey–wa epek! Constant interruption niya ng punch line niya hoping that he could spark some laughter from the live studio audience. Si Mel naman on the other hand, trying hard na tumawa…feeling kasi ng babae may TV chemistry sila ni lalake– Tulad ng Mel & Jay (Sonza) days nila. Eeeeek! Kinikilabutan ako. Ibalik ang Student Canteen and Suwerte sa Siete! I am sure most of you who grew up in the 80’s know what I am talking about– the good ‘ol days of lunch time TeeVee in Manila.

  6. ganda kasi nung sinabi ko e,
    “Si Joey ay matalino, masipag pero bastos, – i beg to DISAGREE, i don’t think joey is smart. he’s just pretending that he’s an “all-knowing” kasi nga GURANG na! kung iisipin mo ang comments nya pang asar lang at ang BABAW naman!

    Si Willie bastos na gastos nang gastos!” Ngak! – kasi may PERA, kaya nga naiinggit si joey, di ba?

    • MGA FANS NG EBS MGA BULAG AT BINGI, MGA WALANG MODO MANA KAY WILLIE GINUGUSTO NYO ANG ISTASYON NA YAN GINUGUSTO NYO RING GAGUHIN KAYO, BAYAD SA KURYENTE, PROTECTOR NG PULITIKO, MAHAL NA BAYAD SA PLDT, AT IMAGE NG PILIPINO (NAGING MANDARAYA).

      • you’re the one twisted, look at your comments! kuryente, politics, pldt… what the heck? bwahahahahahahaha! kung gma lang naman ineng, HUWAG NA! baka mahawaan kami sa pagka FLOP nyo! bwahahahahaha!

  7. yung mga sumasamba, panatiko, mga bulag na naakay ng ABS konting lawak ng isip nman dyan..ang pagkatalo sa AGB sana tanggapin nyo.inamin na mismo yan ng ABS kya talo daw sila sa mega manila dahil mahina ang signal nila sa mega manila..pro sa ibang provinces sa luzon esp. visayas and mindanao panalo daw sila at sa mga provinces kung saan pantay ang signal ng dos at siete panalo daw sila..pro nililihis nyo pa rin..sabi nyo nandadaya sa mega manila ratings ang siete..nambayad ng 500 at anu ano pa..ganun naba kyo kagahaman sa ratings???ngayon yang mga sumasamba sa DOS gusto nila pati mega manila sa kanila na rin..dba panalo na sila sa TNS ratings?ano pang gusto nyo..gusto nyo yta hawak nyo ng lahat?dba pwede magshare naman kyo ng konti..huwag nyong sakupin ang lahat..

  8. Yung mga nagsasabi na Flop, Puro utang, walang ratings at kung anu-ano pa tungkol sa EB at GMA, hindi kasi kayo nanunuod ng mga palabas nila, kaya kala niyo walang nanunuod sa kapuso..Whoo!! puro utang ang EB e bat dami nilang sponsors..wala nga silang binibigay na Milyon pero may sineswelduhan naman sila Month per month na mga taong nanalo sa KSP at sa mga supported nilang bata sa EBest. Wag kayong mayabang, dahil kung bastos si Joey, ano na si Willie?. Di porque Kapuso ako gan’to ako, pero may mga palabas sa dos at siete na mataas ang rating, pinaghihirapan nila ‘un mga dude. Tayong mga tao, puna ng puna sa mga mali. Subukan mong manuod sa Kapuso kung Kapamilya ka, o manuod ka sa Kapamilya kung Kapuso ka, nang walang lipatan ng channel. Focus, tignan mo balang araw iba na ang impression mo sa magkabilang station.

    PS.

    ganda kasi nung sinabi ko e,
    “Si Joey ay matalino, masipag pero bastos,
    Si Willie bastos na gastos nang gastos!” Ngak!

  9. huwag daw kayo manila sa Mega Manila ratings nyahahaha..
    Mega Manila ratings lang naman ang ginagamit na basehan ng EBS noong sila pa ang no.1.. binabalandra nila yan sa tv na sila ang no.1 dati inuulit ko dati nung sila pa ang no.1 sa Mega Manila.. natalo sila sa ratings kaya inakusahan ang GMA na nandayaw daw gamit ang mga bayaran at walang kredibilidad na mga witnesses kuno, na yung iba dating empleyado nila sa regional station nila sa Bacolod nyahahaha!

    yan ang tunay na paninira paulit-ulit na binabalita sa TV na nandaya daw ang AGB at GMA.. di kasi matanaggap na after ilang taon na pagiging no.1 sa Mega Manila natalo at naungusan sila ng isang maliit ng network gaya ng GMA! well, dati nang ganyan ang EBS mapanira.. sinisiraan ang mga kalaban nila sa negosyo para masolo ang iba’t ibang businesses sa Pilipinas!

    ang wowowee puro hype lang, sikat lang si willie sa mga iskandalo na kinasasangkutan niya.. helLo 0-2 WILYONARYO SCAM, ULTRA STAMPEDE, NENA V SANTOS -REPOSSESSED HOUSE N LOT NA PRIZE, CHLOE RONQUILLO NAGREKLAMO SA MTRCB, WILLIE’S OUTBURST ON TV SA FUNERAL CORTEGE NI CORY AQUINO!

    cge na nga, puro flop ang gma sa movies at walang flop sa ebs diba piolo? diba juday? diba echo? sa inyo na ang movies magkano ba ang kikitain diyan? mas malaki ba sa tv? nyahahah! sa tv maraming ad support kung saan kumikita ng mas malaki ang tv stations at sa movies kakarampot lang dahil ilang beses sa isang taon lang gumagawa ng movies.. sa tv araw-araw at gabi-gabi napapanood mo ang mga fave shows mo at puno pa ng ad placements bawat commercial break kaya malaki ang kita e sa movie ganyan din ba? LOL!

  10. THANK U PINOY PARAZZI 4 FEATURING EAT BULAGA! INGGIT NA INGGIT YUNG MGA KAWAWAWE AT KAPALMILYUK. .HAHAHAHA! PANO WALANG MAGANDANG MASABI SA KANILA KUNDI PURO NEGA LALO NA YUNG HOST NILANG HINAYUPAK! GO! GO! GO! EAT BULAGA! CONGRATULATIONS AND MORE POWER! NUMBER 1 PA RIN KAYO AT THE BEST. .AND THANK U AGAIN PINOY PARAZZI. .at sa kapalmilyuk at kawawawe mamatay kayo sa inggit. .hakhakhak!

  11. Ang boring naman dito. zzzzZZZZZZ.
    Talaga bang kailangang ipromote ang EB in all columns of this website? Sana may ibang balita man lang. Balik na lang ako bukas, hopefully may mga bagong articles to read na. Sheesh, Eat Bulaga…. bagong putahe na ang kailangan ng Pinoy. Sana may bagong ideas and GMA fora noontime show. Nakakasawa na ang toilet humor ni Joey de Leon. Even the TVJ jokes, so 80’s. Di na maka relate yung mga pinanganak from 90’s.

    • kahit uurin kna…dyan prin yang cnsabi mong boring at nka2sawa
      hays buhay…magtrabaho k nlng ng hindi ka ma boring

    • wowowie ka kasi ng wowowie kaya tuloy kawawa you ka talaga.

      Bakit ng post ka pa kung bored ka sa rticle, looooooooooooossssssssssssssssseeeeeeeeeeerrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr

  12. Kailangan i-promote ang EB dahil nilalampaso sila ng WOWOWEE. Sa 30 years nila, now lang nila ito ginawa. Kaya U will know there motif di ba?

    Malaking kasiraan si Joey DeLeon sa EB. Siya ang sumira sa credibility ng EB for 30 years.

    Dapat nun pa sila gumawa ng paraan ng magsimula ang WOWOWEE nung 2005 pagdating ng 2006 eh #1 na ito until now. Naka-establish na sila so pano nila ito maayos. I think, itong pag promote nila sa Pinoy Parazzi at sa iba pang online site. Ay isa sa mga way of promoting EB. Ok yan. Dapat continous lang ang pag-promote.

    Pero in my opinion, babalik lang ang sigla ng EB sa ratings pag nawala si Joey DeLeon at yung iba pa nilang kasama sa show. 2nd, gayahan na nila ung format ng Willie of Fortune. Tutal uso naman ang gayahan ngayon. Like ung Talentadong Pinoy na madami ng gumagaya. 3rd, mag-reformat sila totally.

    For sure may magr-react sakin pero ito ang totoo. Wag kayo maniniwala sa Mega-Manila ratings ng GMA-7. Isang patunay nyan, lahat ng mga movie ng talents nila ay puro FLOP. Kahit anong press release ng GMA-7 using media o press eh kitang-kita naman pag gagawa ng movies ang mga talents nila na flop palagi. Isa pa kaunti lang ang donation nila para sa ONDOY dahil mas naniniwala ang mga bigatin kumpanya at mga tao pati sa ibang bansa sa ABS-CBN Foundation binibigay. Dito makikita kung sino talaga pinaniniwalaan ng tao. Ang kasikatan ng GMA-7 at dahil sa tulong ng media o press lamang. Dahil di nila matanggap talo sila, ang ginawa nila eh inintriga ang Sagip-Kapamilya. Nagkalat ng mga negative text messages. Tama ba yun. Ugali na talaga yan ng KAPUSO ever since as part ng marketing nila. Para sakin tama yun ganung marketing strategies.

    • “’Pag sinabi mong Eat… Bulaga!, ‘yong talagang napapangiti ang tao. Malaki ang naitulong niyan. Maraming naitulong financially. Maraming na-open na oportunidad. Maraming napasikat ang EB. Makikita mo talaga na it’s a show with the heart.”

      “Ang mahalaga naman kasi, ‘yung sincere ka sa pag-e-entertain. Masarap ‘yung feeling namin ‘pag napapasaya ang aming audience, ‘yun ang aming collective sense of fulfillment, lalo ngayon, ‘di ba, mahirap ang buhay?”

      Pag nag-isip ang Bulaga, una sa mga audience. Hindi nila inaalis ‘yon. Parang balik lang ng EB ‘yan sa mga nanonood. Kaya hindi sila tumitigil sa pagbibigay ng magandang portions na pakikinabangan ng mga audience.”

      hangga’t may bata, may Eat… Bulaga!. Eh, hindi naman mauubos ang mga bata kaya hindi matatapos ang Eat… Bulaga!”

      providing no-nonsense entertainment is a moral responsibility. Without throwing brickbats at its rival noontime program. “Tayo naman kasing mga Pinoy, basically, masayahin. Pero ang pagpapatawa kasi, dapat may puso rin, hindi mo iniinsulto ang tao, iginagalang mo anupaman ang antas niya sa lipunan.”

      YAN ANG WALA SA PABORITO MONG WOWOWEE

      Sina Tito, Vic and Joey
      “Sila ang mga taong hindi selfish sa mga talent. ‘yung iba kasi, ‘pag alam nilang masasapawan ka, medyo pinupuwera ka, eh. Sila hindi, pinababayaan ka nila. Ilabas mo ‘yong nalalaman mo. ‘Pag ‘yang tatlo, pinansin ka nila, kailangang mabilis ka lang. ‘Yon ang way ng pag-ano, training nila. Hindi sa behind, ha, sa ere. ‘Pag kasama mo sila sa ere, kailangang naka-ready ka kasi babato at babato ‘yan eh,”

      YAN ANG DI KAYA NG PABORITO MONG C WILLIE

Leave a Reply

Your email address will not be published.