3 Dedo sa poso negro

BAGUIO CITY – TATLONG lalaki ang iniulat na nasawi matapos na makalanghap ng masangsang na amoy sa loob ng poso negro (septic tank) sa Brgy. Wangal, sa bayan ng La Trinidad, Benguet kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Mando Pakes, 17; Alberto Guintunan, 38; at Bony Ablasa, 40; pawang residente ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Kibungan, Benguet.

Sa ulat na nakarating kay Cordillera PNP director P/Chief  Supt. Villamor Bumanglag, nabatid na kasamang nagkukumpuni ng bahay sina Sabado Langpao at ang karpinterong si Bestre Dalupang, 49, nang utusan ni Alberto si Mando na tanggalin ang bumarang kahoy sa loob ng septic tank.

Ilang segundo matapos pumasok ni Mando sa loob ng septic tank, bigla na lamang umanong nakarinig  si Alberto ng panaghoy galing sa una kaya agad nilang sinundan ito sa loob ng poso negro, subalit pagdating sa loob ay pare-pareho silang nahirapang huminga.

Agad na humingi ng tulong sa mga naroroong kalalakihan sina Langpao at Dalupang para mailigtas ang tatlong biktima pero hindi na umabot nang buhay ang mga ito sa Benguet General Hospital.

Napilitan ang mga rescuer na wasakin ang sementong nakatakip sa poso negro pero hindi na umabot nang buhay ang tatlo sa Benguet General Hospital. (ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.