3 Dayuhang Bihag ng Abu Sayyaf, Nasagip ng MNLF

DALAWANG SWISS at isang Dutch na bihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nailigtas ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Patikul, Sulu nitong Martes.

Tiniyak ni MNLF Spokesman for Mindanao Atty. Emmanuel Fontanilla na ligtas ang mga ito pero hindi muna niya maaaring pangalanan dahil sa ibang grupo aniyang interesadong makuha ito mula sa kanila.

Sinabi ni Fontanilla na hawak na ng mga commander ng MNLF ang tatlong dayuhan at ite-turn over din sa pamahalaan sa pagbalik ng kanilang founding chaiman na si Nur Misuari mula sa Egypt.

Bukod naman sa tatlo, nakubkob na rin ng MNLF ang ilang kampo ng ASG.

Ayon pa rin kay Fontanilla, 23 ang kabuuang casualties sa panig ng Abu Sayyaf habang siyam ang nasugatan.

Dito aniya nila napatunayang may mga alagad ng gobyerno ang kasali sa ASG. Ito rin aniya marahil ang dahilan kung bakit hindi maubos ang mga kasapi ng Abu Sayyaf.

Nabanggit naman ni Fontanilla na may anim na miyembro ng ASG ang naaresto nila at nakikipagtulungan naman ngayon.

May apat naman aniyang sundalo ang nasawi sa engkwentro.

Samantala, tiniyak ni Fontanilla na patuloy na kikilos ang MNLF para matigil na ang kaguluhan sa Sulu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.