3 Dayuhan, Arestado sa P100-M Halaga ng Shabu

TATLONG DAYUHAN ang arestado habang aabot sa P100 milyon ang halaga ng umano’y 20 kilos ng Shabu na nasamsam sa buy bust operation sa San Juan City, kahapon.

Ayon kay Supt. Ismael Fajardo ng PNP-Anti-Illegal Drug Special Task Force, ang mga dinakip ay sina Lin Ho Seng, Taiwanese at nakatira sa Tarlac; Hong Deng, Taiwanese at Hong Hei Ong Chinese national.

Isang buy bust operation ang isinagawa sa parking lot ng Cardinal Hospital hanggang matunton ang safehouse kung saan nakaimbak ang droga sa Greenville, Wilson Street.

Aabot naman sa P2 mil-yon ang boodle money o ginamit na salapi para sa buy bust operation.

Dagdag pa ni Fajardo, nagsimula ang kanilang operasyon alas-8 ng umaga at nadakip ang mga dayuhan alas-2 ng hapon.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “3 Dayuhan, Arestado sa P100-M Halaga ng Shabu

Leave a Reply

Your email address will not be published.