3 Chinese, Tiklo sa P314-M Shabu

TATLONG CHINESE national ang naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang pagsalakay sa inuupahang mansion house ng mga ito na nagsisilbing drying station ng iligal na droga sa Tondo.

Nasabat sa mga banyaga ang mga Shabu na nagkakahalaga ng 314 milyong piso.

Kinilala ni NBI-OIC at Justice Secretary Leila De Lima ang mga suspect  na sina Ong Tsen Siong, alyas Jackie Lopez at William Uy; Lee Chian Chiat  at Sy Tian Kok.

Pinaniniwalaang miyembro ang tatlo ng isang big-time drug syndicate na nag-o-operate sa bansa.

Umabot sa 62 na kilo ng Shabu ang nasamsam sa Unit 704 sa 3rd floor ng Cathay Mansions  na mata-tagpuan sa Mayhaligue St., Tondo, Maynila, sa operasyong isinagawa kamakailan.

Mahirap umanong matukoy na Shabu o metamphetamine hydrochloride ang kanilang kinumpiska, na ayon sa paglalarawan sa droga ay mistulang legal na produkto. Nakabalot ito sa aluminum foil tea bags, na may markings ng Chinese characters, na idinedeklarang Chinese tea at medisina.

Nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Bureau of Customs (BoC) upang matukoy kung saan galing ang  kargamento at sino ang consignee.

Bukod sa malaking bulto ng Shabu, nasamsam din ng NBI ang mga cloth dyer, humidifiers, drying pans,  timbangan, plastic containers, vacuum sealers, vacuum packaging machines, unused packaging materials, used tea bags na gawa sa aluminum foil  na may tatak na Chinese characters at may residue pa ng Shabu.

Samantala ang tatlong dayuhan na sinasabing mga tauhan umano ng  Chinese Drugs Triad ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.